Marami na akong nabasa sa net, magazine, napanood sa tv, youtube regarding sa pagpapalahi ng panabong na manok. AT kami ng tiyo ko ay gusto makakuha ng bagong breed, nagkataon merong nagbigay ng isang parawakan na stag, malaking manok kahit na bata pa. Unang desisyon ni Tiyo? syempre katayin kagad dahil bukod sa makarne eh hindi pwedeng panlaban sa sabong. Ng makita ko si Parawakan, inarbor ko ito sa kanya dahil maganda ipaasawa sa mga inahin naming maliliit, para nmn lumaki ang knilang magiging sisw, ibinigay agad sakin.
So dahil sa mga napanood ko,naisip ko bakit di kaya natin ito ipalahi sa mga texas na babae? meron naman tayong mga HATCH hens, kaya ng maaprubahan ni tiyo ang eksperimento, eto na sila ngayon at hinihintay ang magiging resulta ng aming magiging palahi.
Sana maging winning line ang lahi na ito hehehe.
P.S.
Gusto namin na maging pangit ang hitsura nung lalabas na mga manok pero katulad nung HATCH ang fighting style.
No comments:
Post a Comment